Patuloy na binabantayan ng mga weather authorities ang Low Pressure Area (LPA 10d) na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang kaninang alas-dos ng madaling-araw, Oktubre 11, 2025.

Batay sa ulat, maliit ang posibilidad na ito ay maging ganap na bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, nakaaapekto naman sa kanlurang bahagi ng Mindanao ang Southwesterly Windflow, na siyang nagdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at mga pagkidlat-pagkulog sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Binalaan ng mga awtoridad ang publiko sa posibilidad ng flash floods at landslide, lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng rehiyon, bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

SOURCE: Pagasa Cotabato Station