Patuloy na nakaaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao ang mga localized thunderstorms, habang patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA 10E) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025.
Sa ulat ng ahensya na inilabas alas-2 ng madaling-araw, nananatiling mababa ang posibilidad na maging tropical depression ang naturang LPA sa loob ng susunod na 24 oras.
Samantala, ang BARMM Region ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga paminsan-minsang pag-ulan at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Pinag-iingat ang mga residente, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi, sa posibilidad ng flash floods at pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas na thunderstorms.
SOURCE: Pagasa Cotabato Station