Patay sa mismong pinangyarihan ng pamamaril ang isang lalaki matapos itong paulanan ng bala ng mga di pa tukoy na suspek sa Barangay Katibpuan, Talayan Maguindanao Sur, bandang alas-11:40 ng gabi nitong Sabado.
Kinilala ni BARMM PNP Spokesperson Lt. Col Jopy Ventura ang biktima na si Mahdi Pal Tanton na naninirahan sa lugar.
Sa initial report, pauwi na ang biktima matapos na bumili ng yosi ng paulanan ito ng bala ng mga suspek.
Aabot sa 12 na basyo ng suspected 5.56MM na kalibre ng baril ang narekober ng pulisya sa crimescene.
Patuloy naman ang pagiimbestiga sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek ng Talayan PNP.