Ipinakita sa ulat ng EDCOM 2 na nananatiling mababa ang functional literacy rate sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Batay sa datos, tanging Maguindanao del Norte, Sulu, at Maguindanao del Sur ang nakapagtala ng mas mataas sa pambansang average na 69.4%.
Samantala, ang Tawi-Tawi, Basilan, at Lanao del Sur ang pinakamababa, kung saan maraming mamamayan pa ang hirap sa pagbasa, pagsusulat, at paggamit ng natutunang kaalaman sa araw-araw na buhay.
Ayon sa DepEd, kabilang sa mga tinatawag na Low Emerging Readers o RED Category ang mga batang hirap sa pagbasa ng letra, tunog, at simpleng salita, indikasyon ng pangangailangan sa agarang remedial support at mas tutok na interbensyon sa edukasyon.
Nanawagan ang EDCOM 2 sa mas pinatibay na mga programa upang maitaas ang antas ng functional literacy sa buong BARMM.