Nasawi ang isang lalaki matapos itong walang kaabog abog na pasukin at pagbabarilin ng mga armadong suspek sa mismong pamamahay nito sa Kilometro 16, Barangay Labungan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte dakong alas sais (6) ng gabi kagabi.

Kinilala ng DOS Municipal Police Station ang nasawi na si Nasser Solaiman, isang tsuper at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na tala ng mga autoridad, nagrerelax lamang at nagpapahinga ang biktima sa loob ng pamamahay nito ng bigla na lamang itong pasukin ng mga suspek at walang kaaba-abang pinagbabaril ito.

Tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang maging dahilan ng agarang kamatayan ni Solaiman.

Narekober din sa pinangyarihan ang apat na basyo ng bala na pinaghihinalaang galing sa baril na ginamit ng mga suspek.

Kasalukuyan naman na nagsasagawa ng hot pursuit operation at masinsinang imbestigasyon ang mga operatiba ng DOS PNP upang matukoy ang motibo at kunsino ang pumaslang sa kaawa-awang biktima.