Patuloy na nakararanas ng mga localized thunderstorms ang malaking bahagi ng Mindanao, ayon sa ulat ng PAGASA Cotabato Station.
Inaasahan na magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kalakip ang mga pana-panahong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog bunsod ng mga localized thunderstorms.
Binalaan din ng PAGASA ang publiko sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng malakas na ulan.
Samantala, patuloy na mino-monitor ang isang Low Pressure Area (LPA 10e) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Batay sa pinakahuling datos dakong alas-2 ng madaling araw ngayong Oktubre 16, may katamtamang posibilidad itong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Source: PAGASA Cotabato Station