Ipinamalas ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang tunay na diwa ng serbisyong makatao matapos ligtas na mairesponde ang isang buntis na babae na nangangailangan ng agarang pagdadala sa ospital kahapon, October 19, 2025.

Sa pangunguna nina PLTCOL Reynaldo V. Gabudao, Deputy City Director for Operations, at PMAJ Mary Jane A. Culanag, Station Deputy Officer, mabilis na rumesponde ang kanilang team bandang alas-3:15 ng madaling araw sa Barangay Rosary Heights 5. Ang insidente ay naganap habang naka-duty ang kapulisan para sa pagbibigay-seguridad sa ginaganap na Marathon 2025.

Kinilala ang buntis na si Maricel Gani, na nagsimula nang mag-labor at walang kakayahang makapunta sa ospital. Agad na nagbigay ng transport assistance ang mga pulis at siniguro ang kaligtasan ng pasyente hanggang sa maihatid ito sa pagamutan.

Pinuri ng publiko ang mabilis na aksyon at malasakit ng kapulisan, na muling nagpatunay ng kanilang dedikasyon sa tungkulin hindi lamang bilang tagapagpatupad ng batas, kundi bilang tagapagligtas at sandigan ng komunidad sa oras ng pangangailangan.

All photo credits to Kutawato Pulisya