Nalagay ngayon sa kontrobersiya ang pangalan ng Algerian boxer na si Imane Khelif matapos maglaro sa Paris 2024 Olympics.
Natalo ni Khelif ang Italian female boxer na si Angela Carini sa kanilang laro na kung saan lumuhod ito at umiyak, at sinabi nito na ngayon pa lamang siya nakaranas ng ganoong kalakas na suntok.
Bago paman lumala ang mga transphobic propaganda, si Khelif napatunayan na “bioligically female” at hindi siya lalaki, baliktad sa claim ni Carini at iba pang mga kritiko ng Algerian boxer.
Ayon sa Algeria Olympic Commitee, si Khelif ay natural born female ngunit mayroong Disorder with Sex Development (DSD) na naging rason na mayroon itong XY chromosomes at mataas na testosterone.
Ito ang rason kung bakit siya na-disqualify sa 2023 IBA Women’s World Boxing Championship kung saan, unang nirason na mayroon itong medical issue.
Dagdag pa, strictly prohibited ang transgender identity sa Algeria, kung saan naninirahan si Khelif.
Ibig sabihin, hindi magawa ang Gender Reassignment Surgery o baguhin ang kasarian, pisikal, medical, o mga legal na dokumento ang mga residente ng bansang Algeria.
Ngunit maraming nagsasabi na mayroon advantage si Khelif dahil mayroon itong male characteristics.
Napag-alaman na hindi lahat ng laro na sinalihan nito sa Women’s World Boxing ay kaniyang napanalunan simula noong taong 2018.