Patuloy na kumikilos palayo sa bansa ang Tropical Storm Ramil at inaasahang tuluyan nang makalalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na mga oras.

Ayon sa huling ulat ng PAGASA kaninang alas-4 ng madaling araw, ang sentro ng Bagyong Ramil ay tinatayang nasa layong 350 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras, habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Umaabot hanggang 450 kilometro mula sa gitna ng bagyo ang lakas ng hanging may lakas mula strong hanggang gale-force, na patuloy na nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Samantala, ang BARMM at iba pang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat at pagkulog bunsod ng localized thunderstorms. Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na kung lalakas ang mga thunderstorms sa hapon o gabi.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso ng at mag-ingat sa mga posibleng epekto ng malalakas na bugso ng ulan.

SOURCE: Pagasa Cotabato Station