Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Caraga Region ang kusang sumuko sa mga tropa ng 4th Infantry (Diamond) Division sa Wagner Street, Loakan, Baguio City noong Oktubre 12, 2025. Kasama nila ang dalawang M16 rifles na pag-aari nila.
Ang mga sumukong miyembro, na taga-Jabonga, Agusan del Norte at Prosperidad, Agusan del Sur, ay bahagi ng Squad 3, RSDG, Northeastern Mindanao Regional Committee. Ang kanilang pagsuko ay bunga ng mga pinagsamang intelligence operations ng 75th Infantry Battalion, 3rd Special Forces Battalion, 10th Intelligence Service Unit, 513th Engineer Construction Battalion, at ng PNP Regional Intelligence Unit 13.
Ayon sa kanila, ang mga dahilan ng kanilang pagsuko ay ang pagkadismaya, takot sa kaligtasan, at ang kagustuhang mamuhay ng tahimik. Ayon kay Lt. Col. Earl C. Pardillo, Commanding Officer ng 75IB, ang kanilang pagsuko ay isang patunay ng tagumpay ng pinahusay na operasyon at patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Caraga.
Ang 75IB ay tumutulong sa mga sumukong miyembro upang makapag-enroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) at mag-aplay para sa Amnesty upang makapagsimula ng bagong buhay.
Pinuri ni Maj. Gen. Michele B. Anayron Jr., Commander ng 4ID, ang tapang ng mga sumuko at muling tiniyak ang commitment ng Hukbong Katihan sa mapayapang resolusyon ng mga lokal na konflikto. Hinikayat din niya ang natitirang mga miyembro ng NPA na isuko ang kanilang mga armas at bumalik sa lipunan.