Natagpuan na ang magtiyuhing biktima ng pagguho ng lupa sa Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon matapos maamoy at matukoy ng K9 rescue dog na si Miyuki mula sa Opol, Misamis Oriental ang eksaktong lokasyon ng mga ito.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Opol ang search and retrieval operation, katuwang si K9 handler Dionisio Montemayor III, na personal na nagpatakbo kay Miyuki sa operasyon.
Kinilala at pinuri ng mga awtoridad ang kahusayan ni Miyuki at ang mabilis na pagtugon ng K9 team, na naging mahalagang susi sa matagumpay na pagkakatuklas sa kinaroroonan ng mga biktima sa gitna ng nagpapatuloy na retrieval efforts.

















