Nagaabang ng last minute at ang iba ay hindi nagmamadali sa pag-rehistro bilang botante, ibahin ninyo ang isang 100 year old na lola na taga Kidapawan City na sumadya pa ng personal sa Commission On Elections- Kidapawan City upang makapagpatala bilang botante.

Kinilala ang matanda na si Lola Elena Garcia na ipinanganak noong Oktubre 5, 1925.

Ayon kay Garcia, ginawa nya ito upang ipakita na hindi umano balakid ang idad sa paggampan ng tungkulin at karapatan na makaboto sa mga halalang parating.

Dahil dito, agad na ibinahagi ng City Comelec ang larawan ng bagong botante na si Lola Elena upang magsilbing wakeup call sa mga mamamayan na makibahagi sa mga nalalapit at susunod na mga halalan.

Patuloy naman ang komisyon sa panawagan nito sa publiko na magparehistro na para marinig at maipahayag ang kanilang boses sa pamamagitan ng halalan.