Bukas na sa publiko ang BARMM Expo 2025 matapos na pasinayaan kahapon ng buong pwersa ng Ministry of Trade, Investments and Tourism o MTIT-BARMM ang nabanggit na exposition sa KCC Mall of Cotabato Convention Hall.
Tampok sa nasabing exhibition ang produkto na gawang Bangsamoro, mga kumpetisyon at maging mga forum na layong mapalakas ang lokal na komersyo at industriyang halal sa BARMM.
Nakaangkla sa temang “Empowering Consumers, Advancing Halal Industry and Promoting Local Agri-industries for a Resilient Bangsamoro”, tatagal ng tatlong araw ang BARMM Expo 2025 na tampok ang best Palapa Contest, coffee cupping sessions at mga gawang MSME’s at mga kooperatiba na galing pa sa iba’t-ibang lalawigan ng rehiyon.
Tampok din aniya sa nasabing aktibidad ang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng MTIT at ng ibat ibang MSME’s at iba pang mga tourism related enterprises para sa Halal Certification Subsidy Program na naglalayong mapalakas ang Halal Governance at matulungan ang mga negosyong maging globally competitive.
Dumalo sa nasabing prograna si BARMM Assistant Senior Minister Abdullah Cusain, MTIT Director General Rosslanie Sinarimbo maging ang ibat iba pang mga matataas na opisyal ng rehiyon.

















