Ipinababatid ng Archdiocese ng Cotabato ang pagpanaw ni Rev. Fr. Antonio P. Pueyo ngayong gabi dakong 6:45 kanina.

Kanyang napaglingkuran ang kabuuan ng mga ministeryo sa arkeodesis ng Cotabato kabilang na ang pagiging kura-paroko ng Nuestra Sra. Dela Candelaria sa siyudad ng Tacurong, Our Lady of Mt. Carmel sa Parang, Maguindanao Norte at ang Queen of Peace dito sa ating siyudad.

Sya din ay minsan nang naglingkod bilang rector ng Notre Dame Archdiocesan Seminary, naging Finance Officer at Vicar General ng Arkeodesis ng Cotabato.

Ang mga detalye ng kanyang burol maging ang libing ay aming iaanunsyo sa panahon na ito ay makarating na sa amin.

Ang aming taus-pusong pakikiramay sa Simbahang Katoliko, sa pamilya at mga parokyano sa pagyao ni Fr. Pueyo.