Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Presinto 3 amg dalawang lalaking hinihinalang tulak ng droga matapos na kasahan ng mga ito ang inumang sa kanila na police drug buy-bust sa bahagi ng Purok Pikaw, Poblacion 9 sa lungsod ng Cotabato dakong 5:30 ng hapon kahapon.
Kinilala ang mga suspek nna sina Mohammad Ayob Kadir, 31 at Badrudin Salik Sambutuan, 39 na pawang may asawa at parehas na nakatira sa nasabing barangay at purok.
Nakuhanan ang dalawang kolokoy na suspek ng tatlong medium sized plastic sachet na naglalaman ng suspetsadong shabu na may timbang na 4.1 grams na nagkakahalaga ng tinatayang aabot sa PHP 27,880.00.
Bukod sa nabawing epektos, nabawi rin sa mga ito ang isang improbisadong glass tube toother at 500 pesos na genuine money na nakapatong sa 45,000 na boodle money.
Dahil sa kabulastugan ng dalawang suspek, makukulong ang mga ito sa Presinto 3 habang mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















