Nagpaalala si Mayor Matabalao sa mga kapwa nito trabahante sa City LGU kahapon Monday Invocation na isinagawa sa Peoples Palace kahapon, na maging magiliw at may kortesiya sa mga lumalapit sa ibat ibang tanggapan partikular na ng Mayors Action Center o MAC at sa OSWDS na naassign sa pagbibigay ng karampatang tulong o assistance sa mga residente ng lungsod.
Ito ay matapos na magbiro na may kasamang paalala si Mayor Matabalao na bawal umano sa City Government ang masasama ang ugali sa kapwa na nangangailangan ng tulong.
Ang naging paalala ni Mayor Bruce ay dahil sa mga natanggap nito na reklamo sa ilang mga residente na may mga nagsusungit na mga empleyado kapag nilalapitan ang mga ito para sa assistance o tulong.
Dahil dito, sinabi ng alkalde na kung ubos na ang pondo na pangtulong ng dalawang ahensya, maari naman aniyang ipaliwanag ng maayos sa lumalapit na dumating na sa pagkaubos ang kanilang hawak na pondo imbis na sungitan ito.

















