Agad-agad na iniulat sa pulisya ng mga residente ang nangyaring hold-up ng mga di pa tukoy na suspek sa isang negosyantre sa Linamunan Tampat, sa Taviran, bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte ngayong tanghali.

Sa ulat na nakarating sa kapulisan, sakay ng mini van ang biktima kasama ang magina nito ng pagsapit sa lugar ay hinarang itong bigla ng mga suspek na sakay ng isang Vios. Pinosasan ng mga suspek ang biktima tangay ang perang pambili sana ng pagkain ng manok na syang negosyo ng magkabiyak.

Agad naman rumesponde sa tawag ang mga otoridad sa lugar at itinanggal naman dito ang posas na kinabit sa kanya.