Natapos noong Nobyembre 15, 2025 ang mahigit labing-isang taong rido sa Barangay Angkyamat, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, na kinasasangkutan ng dalawang pamilya sa pamumuno nina Commander Manti Mulao at Commander Bangladis Katil.

Ang hidwaan ay nagdulot ng paulit-ulit na armadong sagupaan sa loob ng higit isang dekada na nakaapekto sa seguridad at kaligtasan ng mga residente. Ang kasunduang pangkapayapaan ay naabot matapos ang serye ng dayalogo at pagpupulong sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang, kasama ang mga opisyal ng militar na sina BGen. Edgar L. Catu, BGen. Omar V. Orozco, Lt. Col. Germen T. Legada, at Lt. Col. Raul P. Escat.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Hon. Nathaniel Midtimbang, Mayor ng Datu Anggal Midtimbang; Hon. Aljoffner Angas; at Commander Kagui Wahid Tundok, 118th BC, MILF-BIAF.

Ayon sa pahayag ng mga opisyal, ang rido settlement ay naglalayong panatilihin ang kaayusan at kaligtasan sa lugar. Ang kasunduan ay resulta ng koordinasyon ng lokal na pamahalaan, militar, at kinauukulang komunidad.