Tinanggap ni Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament Speaker Mohammad S. Yacob, Ph.D., si Chairperson Nasseruddin D. Dunding, MAPDS, at iba pang opisyal ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) sa kanilang courtesy visit nitong Biyernes, Nobyembre 14.
Sa kanilang pagpupulong, ipinresenta ng BYC ang mahahalagang youth policy documents at mga kasalukuyang research initiatives. Kabilang dito ang Youth Development and Welfare Code of 2023,Bangsamoro Youth Assessment Study (BYAS), Bangsamoro Action Plan on Youth, Peace, and Security (BAP-YPS), at Afkār, isang compilation ng policy briefs mula sa mga pag-aaral ng Komisyon.
Ipinahayag ng BYC ang kanilang pag-asa na lalo pang bibilis at uusad ang youth policy development sa Bangsamoro sa ilalim ng liderato ni Speaker Yacob.
Sa kanyang panig, muling tiniyak ni Speaker Yacob ang kanyang commitment na mapanatiling sentro ng legislative agenda ang boses ng kabataan.
Pinangako rin niya ang pagpapatuloy ng pagsisikap ng Parliament sa pagpapatibay ng mga mekanismong nagtataguyod sa kapakanan, empowerment, at pag-unlad ng kabataang Bangsamoro.

















