Naaresto ang isang sundalo sa umano’y paglabag sa Anti-Smuggling Law (R.A. 10863 at R.A. 10643) bandang alas-7:00 ng gabi noong Nobyembre 15, 2025 sa Barangay Macasandag, Parang.

Kinilala ang suspek sa alyas na “TSG Juan”, 46 taong gulang, miyembro ng Philippine Army at naka-assign sa 1st Scout Ranger Battalion, Carmen, North Cotabato.

Ayon sa ulat, nakipagtulungan ang personnel ng 2nd MP, 1401st RMFB 14-A, kasama ang Parang MPS, PIU, TSC at iba pang yunit, sa isang checkpoint kung saan nahuli ang isang Toyota Vios na may plate number JAB 1070. Nasamsam ang sampung (10) maliit na kahon ng Kari Kari na naglalaman ng 248 reams ng San Marino smuggled cigarettes, na tinatayang nagkakahalaga ng Php 194,680.00.

Ang suspek, ang sasakyan, at ang nakumpiskang sigarilyo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Parang MPS at isusumite sa Bureau of Customs para sa karampatang aksyon.