Sumuko noong Nobyembre 12, 2025, ang limang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at Milisyang Bayan (MB) apat na regular na CTG members at isang MB member at ibinalik ang kanilang sarili sa ilalim ng batas, kasabay ng pagsumite ng dalawang high-powered firearms sa 8th Infantry (Dependable) Battalion.

Ayon sa Bukidnon E-CLIP Committee, na pinamumunuan ni Gobernador at E-CLIP Chairperson Hon. Rogelio Neil P. Roque, kasama si Provincial E-CLIP Focal Person Gean Yvish Ladesma at mga kinatawan mula sa PSWD, OPAPRU, at LAB-CDO, opisyal nilang ipinakita ang mga sumukong rebelde, bilang pagpapatunay sa patuloy na programa ng gobyerno na tulungan ang mga dating rebelde na makabalik sa payapa at produktibong pamumuhay.

Binibigyang-diin ng aktibidad ang malakas na pagtutulungan ng militar, lokal na pamahalaan, at komunidad sa pagpapaigting ng kapayapaan at seguridad sa Bukidnon. Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), nabibigyan ng bagong pagkakataon ang mga dating rebelde na may buong suporta ng gobyerno.

Tiniyak ng 8th Infantry (Dependable) Battalion ang patuloy na suporta sa muling pakikipag-ayos, pagpapalakas ng kapayapaan, at pagsulong ng sustainable development para sa lahat ng mamamayan ng Bukidnon.