Matagumpay na nasabat ng PDEA Regional Office BARMM ang limang (5) kilo ng pinatuyong marijuana bricks sa isang operasyon sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ngayong Nobyembre 22, 2025.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Land Transportation Interdiction Unit (LTIU) at sinuportahan ng PDEA BARMM K9 Unit, PDEA BARMM Regional Investigation Section, Maguindanao del Norte at del Sur Provincial Offices, pati na rin ng PDEA RSET.

Nakuha mula sa nasabing shipment ang isang itim na bubble wrap na naglalaman ng limang (5) nakasarang transparent plastic bags, bawat isa ay may pinatuyong marijuana bricks na may kabuuang timbang na lima (5) kilo at tinatayang nagkakahalaga ng PHP 600,000.
Ayon sa paunang imbestigasyon, natukoy ang sender ng package bilang alias Joaquin at ang tatanggap naman bilang alias “Raihana.” Kasalukuyang iniimbestigahan ang parehong indibidwal dahil sa umano’y kaugnayan nila sa transportasyon ng ipinagbabawal na droga.
Isinasagawa na rin ang paghahanda ng kaso laban sa mga suspek para sa paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) ng RA 9165.


















