Arestado ang isang lalaking drayber, na kinilalang si alias “Ryan”, residente ng Ampatuan, Maguindanao del Sur, matapos itong mahuling lumabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa isinagawang routine checkpoint noong 3:30 PM, Nobyembre 22, 2025, sa Sitio Datu Faisal, Barangay Limbo.

Ayon sa Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ni PCPT Norman M. Nur, Deputy Chief of Police, unang pinahinto ang naturang drayber dahil ang minamaneho nitong motorsiklo na may sidecar ay walang maayos na nakalagay na plate number.

Habang isinasagawa ng mga pulis ang beripikasyon sa kanyang pagkakakilanlan at mga dokumento, kusang inilabas ng suspek ang isang improvised glass tooter na hinihinalang gamit sa pagdro-droga. Dahil dito, agad siyang inaresto ng mga awtoridad.

Isinagawa sa lugar ang tamang proseso ng evidence marking at inventory sa harap ng mga insulating witnesses. Naipaalam din sa suspek ang kanyang karapatang konstitusyonal bago dinala sa Sultan Kudarat MPS kasama ang nakumpiskang ebidensya.

Samantala, pinuri ni PCOL Victor G. Rito, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, ang mabilis na aksyon ng mga pulis.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga checkpoint:

“Simple checkpoints can prevent bigger threats patuloy nating poprotektahan ang publiko laban sa ilegal na droga. Sa Maguindanao del Norte, Safe Ka RITO.”

Dagdag pa niya, patuloy ang commitment ng MDN PPO na protektahan ang mga komunidad sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operasyon at mas pinatibay na ugnayan kasama ang mga lokal na sektor.