Narekober ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP ang ilang matataas na kalibre ng armas, war materiel, at personal na kagamitan matapos ang isang sagupaan laban sa mga miyembro ng Platon Dos ng Ilocos Cordillera Regional Committee ng CPP-NPA sa Brgy. Allaguia, Pinukpuk, Kalinga.

Pinangunahan ng 103rd Infantry “Mabalasik” Battalion, katuwang ang 52nd at 53rd DRC, 54th Infantry “Magilas” Battalion, 98th Infantry “Masinag” Battalion sa ilalim ng 503rd Infantry Brigade, kasama ang 86th Infantry Battalion (OpCon), 1st Cavalry Company (Separate) ng Armor Division, TOG 2, at suportado ng PNP Kalinga, ang isinagawang focused military operation matapos makatanggap ng ulat hinggil sa presensya at paggalaw ng mga armadong grupo sa lugar.
Nagresulta ito sa mabilis ngunit matinding bakbakan na nag-neutralize sa isang komunistang combatant. Matapos ang clearing operations, narekober ng mga sundalo ang ilang high-powered firearms kabilang ang M16 rifle, R4 rifle, M203 grenade launcher, dalawang M653 rifles, bandolier na may mga bala, isang hand grenade, jungle packs, backpacks, cellphone, CPP-NPA documents, at medical equipment.
Pinuri ng mga field commanders ang mabilis, koordinado, at epektibong aksyon ng mga tropa, na nagpapatunay sa determinasyon ng Philippine Army na protektahan ang mga komunidad, mapanatili ang katatagan ng rehiyon, at pigilan ang muling pag-usbong ng mga armadong grupo sa malalayong lugar.
Ang lahat ng narekober na ebidensya ay isinasailalim na sa tamang dokumentasyon at masusing imbestigasyon upang makatulong sa nagpapatuloy na security at intelligence operations sa Kalinga at mga kalapit-probinsiya.

















