Good news sa mga may single na motor na babagtas sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Cotabato.

Bilang tugon ni Mayor Bruce Matabalao sa mga kababayan nating may single na motor na umaasa dito bilang transportasyon lalo na sa mga mag-aaral at namamasukan, EXEMPTED ANG SINGLE MOTORCYCLES sa number coding scheme ng lungsod.

Epektibo ang nasabing kautusan noong araw ng Lunes, Agosto 5. Kasabay nito, ayon kay Matabalao na patuloy nilang pagpaplanuhan at pag-aaralan ang mga katugunan upang maibsan ang isyu ng trapiko sa lungsod.