Naglapse na noong Hulyo 29 ang deklarasyon ng State of Calamity sa BARMM.
Ito ang inihayag ni BARMM Cabsec Spokesperson Mohd Asnin Pendatun sa naging pulong balitaan nito.
Ayon kay Pendatun, tanging Maguindanao del Sur na lamang ang may deklarasyon ng estadong pangkalamidad sa kanilang lugar.
Dagdag pa ni Pendatun, kahit tapos o lapsed na ang naturang deklarasyon, minomonitor nila ang sitwasyon sa bawat probinsya ng rehiyon.
Bumabalik na rin anya sa normal ang buhay ng mga nasa lugar na malubhang tinamaan ng baha noong nakaraang buwan.
Nakahanda pa rin aniya ang mga pangunahing pangangailangan na inipon ng Bangsamoro Gov’t sa oras na ito ay kailanganin.