Ipinapakita ni Philippine Army Capt. Jerome J. Jacuba ang tunay na tapang at dedikasyon. Tuluyan man siyang nabulag matapos masabugan ng landmine sa Datu Salibo, Maguindanao habang nakikibaka laban sa BIFF, tinatanggap niya ang kapansanan bilang bahagi ng kanyang sakripisyo para sa bayan.

Dahil sa kanyang sitwasyon, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Defense Secretary Gilbert Teodoro na muling suriin ang patakaran sa pag-discharge ng mga sundalo na nagiging ganap na disabled habang nasa tungkulin, upang mabigyan pa rin sila ng pagkakataong makapaglingkod sa iba pang kapasidad sa militar.