Dalawang estudyante sa high school ang nasagip matapos mahuli sa Barangay 15, Brgy. 5-A, Davao City, pasado alas-11:15 ng umaga nitong Martes, Disyembre 2, 2025, dala ang tinatayang ₱372,000 na halaga ng pinaghihinalaang marijuana.

Ayon sa ulat ng Davao City Police Office (DCPO), kinilala ang mga biktima bilang sina Dang, 16 anyos mula San Pedro Extension, at Kaloy, 17 anyos, residente ng Beverly Hills, Upper Exodus, Brgy. 8-A sa lungsod.

Nasakote ang mga estudyante sa isang umano’y buy-bust operation kasama ang kanilang personal na kagamitan at ang ilegal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy ang iba pang posibleng sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga sa lugar.