Aabot na sa 738 ang naitatalang kaso ng mga dinapuan ng nakamamatay na Dengue Fever mula Enero hanggang ngayong araw.
Ito ay ayon sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC na kung saan 16 sa mga kaso na yan ang namatay.
Base ito sa arawang tala ng pagamutan na inilabas ngayong ngayong araw, Agosto 8.
Pinakamarami na natala ay sa Maguindanao Provinces na may 346, Cotabato City naman na may 312, North Cotabato, Sultan Kudarat at Lanao Sur. Sa ngayon, may (3) tatlong pasyente pa ang nagpapagaling, ang (2) dalawa naman dito ay bata.
Kaugnay sa krisis na ito, nagpaalala ang departamento ng kalusugan na sundin ang 5S o ang Search and Destroy, Self Protection, Seek Early Consultation, Support Fogging and Spraying at Sustain Hydration kontra Dengue na naglalayong mabawasan kundi man tuluyang mahinto ang nakamamatay na sakit.