Nanguna ang Cotabato City Police Office (CCPO) sa Enhanced Monitoring Police Operation (EMPO) Challenge sa regional level ng Police Regional Office BAR, na ginanap noong Disyembre 11, 2025.
Ang EMPO Challenge ay isang kompetisyon na sumusukat sa kahusayan ng mga pulis sa pagtugon sa aktwal na operational scenarios. Tinutukoy nito ang kakayahan sa emergency response, koordinasyon ng mga team, paggamit ng makabagong kagamitan tulad ng drones at body-worn cameras, at mabilis na paggawa ng desisyon sa ilalim ng pressure.
Ayon sa ulat, ang pagkapanalo ng CCPO ay bunga ng pinagsanib na koordinasyon ng mga yunit at ahensya na kasama sa operasyon, kabilang ang PNP Forensic Group, City Explosive and Canine Unit (CECU), City Medical and Dental Unit (CMDU), 1404th RMFC, RMFB 14-A, MBLT-5 & 6, 1st Marine Brigade, at Bureau of Fire Protection (BFP).
Itinatampok ng EMPO Challenge ang pagpapahusay sa operational efficiency at pagtutok sa mabilis at epektibong serbisyo sa publiko, kasabay ng pagpapalakas ng inter-agency coordination sa rehiyon.

















