Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nagtungo sa Pilipinas ang mag-amang itinuturing na suspek sa naganap na mass shooting sa Bondi Beach, Australia, kung saan 15 katao ang nasawi.

Ayon sa ahensya, dumating sa bansa noong Nobyembre 1 sina Sajid Akram, 50 anyos, at Naveed Akram, 24 anyos, kapwa mga Indian national. Batay sa kanilang travel records, ang Davao ang kanilang idineklarang destinasyon.

Dagdag pa ng BI, umalis din ng Pilipinas ang mag-ama noong Nobyembre 28.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa kanilang mga katuwang sa ibang bansa kaugnay ng nasabing kaso.