Umabot sa ₱4,048,216.00 ang kabuuang benta sa Shariff Kabunsuan Festival Trade Fair 2025, na ginanap mula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 7, 2025, ayon sa pahayag ni Cotabato City Mayor Bruce “BM” Matabalao sa kanyang Facebook page.

Ayon sa alkalde, patunay ang matagumpay na benta na buhay ang lokal na negosyo at patuloy ang suporta ng komunidad sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), local food vendors, at iba pang entrepreneurs. Binanggit din niya ang pasasalamat sa lahat ng bumisita, namili, at nakiisa sa selebrasyon ng kultura at kabuhayan ng lungsod.

“Para sa lahat. Para sa lokal na ekonomiya. Para sa Cotabato City,” dagdag pa ni Mayor Matabalao, bilang mensahe ng pagkilala at suporta sa patuloy na pag-unlad ng lokal na negosyo.