Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines, ang seremonya ng panunumpa ng pitong bagong-promote na heneral ng Philippine Air Force (PAF) nitong Disyembre 18, 2025, sa Malacañan Palace.

Kabilang sa mga nanumpa sina Lieutenant General Aristotle D. Gonzalez bilang Commander ng Northern Luzon Command; Major General Gerold N. Gagan bilang Deputy Chief of Staff for Reserve Force Development (J9); Major General Loreto B. Pasamonte bilang Deputy Commander ng Joint Sustainment Command, AFP; Brigadier General Jessie A. Banastao bilang Chief ng Office of the Strategic Studies and Strategy Management, AFP; Brigadier General Luisito F. Angeles Jr. bilang Deputy Commander ng Air Mobility Command; Brigadier General Charlie L. Tiu Jr. bilang Assistant Chief of Air Staff for Operations (A-3); Brigadier General Francis Karem E. Neri bilang Wing Commander ng 960th Air and Missile Defense Wing; at Brigadier General Pedro S. Agapito bilang Deputy Commander ng Air Education and Training Command.

Ayon sa Malacañang, ang panunumpa ay sumasalamin sa tiwala ng Pangulo sa kanilang kakayahan at dedikasyon. Ang promosyon ng mga heneral ay bunga ng kanilang natatanging serbisyo, patunay ng mahusay na pamumuno, at matibay na commitment sa tungkulin. Nagpahayag din ang Philippine Air Force ng pagbati sa mga bagong-promote na heneral, na ngayo’y haharap sa mas mataas na responsibilidad sa pamumuno ng organisasyon at paglilingkod sa mamamayang Pilipino nang may integridad at kahusayan.