Isinagawa ng pamahalaang Bangsamoro, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City, ang isang parada nitong Disyembre 19, 2025 bilang bahagi ng paggunita sa Shariff Kabunsuan Day.

Nagsimula ang parada sa Cotabato State University (CotSU) at nagtapos sa Bangsamoro Ports Management Authority (BPMA), na nilahukan ng iba’t ibang ministeryo, tanggapan, at attached agencies ng Bangsamoro Government.

Pinangunahan ng Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT) ang aktibidad na layong ipakita ang pagkakaisa, pagpapahalaga sa kultura, at paggalang sa pamana at impluwensiya ng Islam sa Mindanao.

Ang Shariff Kabunsuan Day ay isang taunang paggunita na nagbibigay-parangal kay Shariff Mohammad Kabunsuan, isang Arab-Malay missionary na kinikilalang nagpakilala ng Islam sa mainland ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong ika-16 na siglo.