Kusang-loob na isinuko ng mga residente sa tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion, Philippine Army ang iba’t ibang uri ng kagamitang pandigma nitong Disyembre 19, 2025.
Ayon kay Lt. Col. Tristan Rey P. Vallescas, Commanding Officer ng 7IB, umabot sa labing-isang (11) high-powered firearms, dalawampu’t pito (27) low-powered firearms, at sampung (10) high explosive ordnance ang naisumite ng mga mamamayan sa kanilang himpilan.
Kabilang sa isinukong armas ang mga 12-gauge shotguns, 12-gauge pistols, M79 grenade launchers, Springfield caliber .30 rifles, 9mm submachine guns, granada, at iba pang pampasabog.

Ang pagsuko ay bahagi ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program ng pamahalaan, na naglalayong bawasan ang banta ng ilegal na armas sa komunidad.
Sinabi ng pamunuan ng 603rd Infantry Brigade at ng 6th Infantry (Kampilan) Division na ang pakikipagtulungan ng mga residente ay mahalaga sa pagpapatupad ng programa at pagpapanatili ng seguridad sa lugar. Ayon sa kanila, patuloy na katuwang ng militar ang mga local government units at iba pang security forces sa pagsasagawa ng mga hakbang na naglalayong alisin ang karahasan at palakasin ang kapayapaan sa Central Mindanao.


















