Pinapayuhan ng Cotabato City Police ang publiko na iwasan ang paggamit ng ilang uri ng paputok ngayong Kapaskuhan at sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil sa panganib na dulot nito sa kaligtasan ng mamamayan.
Kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod: Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star, Pla-pla Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, Super Lolo, Atomic Triangle, Goodbye Bading, Large-size Judas Belt, Boga, Kwiton, Goodbye Philippines Goodbye Delima, Bin Laden Hello Columbia, Mother Rockets, at iba pang mga improvised na paputok tulad ng “pla-plakan” baril, hupee, at kanyon.
Ayon sa kapulisan, ang paggamit ng nasabing paputok ay maaaring magdulot ng seryosong aksidente, sunog, at iba pang panganib sa publiko. Hinikayat nila ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa karagdagang impormasyon o kung may makikitang iligal na paputok sa kanilang lugar.
Ang pagpapatupad ng regulasyon laban sa delikadong paputok ay bahagi ng mandato ng Philippine National Police na “To Serve and Protect”, layuning masiguro ang kaligtasan ng lahat ngayong kapaskuhan.

















