May posibilidad nang bilhin ng kilalang negosyante at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang Miss Universe Organization (MUO) sa kabila ng mga kontrobersiyang kinahaharap nito.

Sa isang press conference nitong araw ng Lunes, Disyembre 22, 2025, sa kanyang mansyon sa Quezon City, inihayag ng dating governor na makikipagpulong sila ng kanyang anak na si Richelle sa mga dating opisyal ng MUO na sina Paula Shugart at Shawn McClain, upang talakayin ang posibilidad ng pagbili ng prestihiyosong pageant sa Enero 2026.

Ayon kay Chavit, hindi ibinebenta ang MUO, ngunit handa siyang mag-alok upang bilhin ito at mailigtas mula sa pagbagsak dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito. Sa kasalukuyan, ang MUO ay pag-aari ng Thailand’s JKN Global Group at Mexico’s Legacy Holding Group.

Sinabi pa ni Chavit na noong 2017, pagkatapos ng matagumpay na Miss Universe pageant sa Maynila, inalok siya ng mga opisyal ng MUO na bilhin ito. Ayon sa kanya, interesado na siyang bilhin ito matapos magkaproblema ang MUO sa Thailand at Mexico.

Noong 2017, nag-invest si Chavit ng $13 million (humigit-kumulang P700 million) sa Miss Universe, ngunit nagkaroon siya ng malalaking pagkalugi. Gayunpaman, sinabi niyang ito ay para sa kapakanan ng bansa.

Dadgag pa ni Chavit, handa siyang malugi muli sa proyektong ito basta’t makikinabang ang Pilipinas, lalo na sa aspeto ng turismo at foreign investment.