Acquitted o napawalang sala sa kasong kinasasangkutan si Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra Dilangalen matapos ang mahabang penitensya ng pagsisiyasat sa korte suprema sa kasong isinampa dito na may kinalaman sa katiwalian at kurapsyon.

Kasama sa inabswelto ng SC ang dating Municipal Accountant na si Rahima at kanyang dating Ingat Yaman.

Sa panayam ng alkalde, sinabi nito na malaking patunay na walang katiwalian ang kanyang pamumuno sapagkat kapakanan lang ng mamamayan ang lagi nitong isinaalang-alang.

Nabatid na noon pang 2011 ng sampahan ng reklamo ang alkalde kasama ang dalawang opisyal dahil sa limang (5) milyong pisong proyekto sa patubig.

Matatandaan din na noong Setyembre 2022 ay pinatawan ng Korte Suprema ang opisyal ng pitong taon (7) na pagkakakulong sa naturang kaso.

Dahil sa pagkakawalang sala, sinabi ng Punong Ehekutibo na tumulong na lamang sa mga hakbangin at pagawain na magpapagaan sa pasanin at magsasaayos ng bawat mamamayan ang mga patuloy pang nagsasampa ng kaso sa kanya.