Mainit na tinanggap ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI) si Consul General Hon. Agus Trenggono ng Indonesian Consulate General sa Davao City, kasama ang kanyang delegation, sa isang pormal na courtesy visit kamakailan.
Layunin ng pagbisita ang pagpapalakas ng kooperasyon at pakikipag-partner sa larangan ng ekonomiya sa Bangsamoro. Pinangunahan nina Chairperson Mohamad Omar Pasigan at Board of Governor Datu Habib Ambolodto ang pagtanggap sa consul general at sa kanyang team.
Ayon sa BBOI, ang engagement ay bahagi ng kanilang layunin na palawakin ang internasyonal na ugnayan at patibayin ang ekonomiyang relasyon na makakatulong sa inklusibong paglago at pagpapaunlad sa rehiyon.

















