Patuloy ang paalala ng Department of Health o DOH sa publiko na panatilihin ang kalinisan ng kamay, lalo na ngayong Kapaskuhan na inaasahan ang matinding pagdagsa ng mga tao sa mga pamilihan, terminal, at iba pang matataong lugar.
Ayon sa DOH, ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o paggamit ng alcohol-based hand sanitizer, ay mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng germs, bacteria, at iba pang mikrobyo na maaaring magdulot ng iba’t ibang karamdaman.
Binigyang-diin ng ahensya na sa panahon ng holiday rush, mas tumataas ang panganib ng hawahan dahil sa siksikan at madalas na paghawak sa mga bagay na ginagamit ng maraming tao.
Dahil dito, nananawagan ang DOH sa publiko na ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay bilang bahagi ng araw-araw na pag-iingat, hindi lamang para sa sariling kalusugan kundi para rin sa kaligtasan ng buong pamilya.
Kasabay nito, patuloy ang DOH sa pagbibigay ng mga paalala at impormasyon upang mapalawak ang kaalaman ng mamamayan sa wastong health practices ngayong holiday season.
Layunin ng kagawaran na masigurong mananatiling ligtas, malusog, at handa ang publiko upang mas maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko.

















