Ayon sa Department of Health (DOH), nagtala sila ng 28 kaso ng naputukan mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 25, kung saan walong bagong kaso ang naiulat umaga ng Disyembre 25. Ang mga pasyente ay dinala sa 62 na pagamutan sa iba’t ibang lugar.

Mas mababa ang bilang na ito ng 50 porsyento kumpara sa nakaraang taon sa parehong petsa, kung saan naitala ang 56 na kaso.

Sa kabuuang 28 na biktima, 19 ay 19-anyos pababa, samantalang 9 naman o 32 porsyento ay nasa edad 20 pataas.

Patuloy na nanawagan ang DOH sa publiko at sa mga local government units na higpitan ang pagbebenta ng mga iligal na paputok at laging isagawa ang tamang pag-iingat upang maiwasan ang aksidente.