Nakilahok ang mga tauhan ng Cotabato City Police Office (CCPO) sa ginanap na ika-129 anibersaryo ng pagkamartir ni Dr. Jose Protacio Rizal noong Disyembre 30, 2025, alas-7 ng umaga, sa City Plaza ng Cotabato City.

Photo: Kutawato Pulisya

Pinangunahan ni PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director ng CCPO, ang pagdalo ng kapulisan sa seremonya na may temang “Rizal: Sa Pagbangon ng mga Mamamayan, Aral at Diwa Mo ang Tunay na Gabay.” Ang programa ay pinangunahan ng Office of the City Mayor sa pamamagitan ng City Tourism Office.

Photo: Kutawato Pulisya

Bilang pagbibigay-pugay sa pambansang bayani, isinagawa ang seremonyal na pag-aalay ng ornamental plants at bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal bilang simbolo ng paggalang at pasasalamat sa kanyang sakripisyo at mga adhikain para sa bayan.

Dinaluhan din ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng Local Government Unit (LGU), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Knights of Columbus, Masonic fraternity, mga non-government organizations (NGOs), at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Photo: Kutawato Pulisya

Ipinakita ng seremonya ang pagkakaisa, diwa ng makabayanismo, at patuloy na pagpapahalaga ng mamamayan sa mga aral at prinsipyong iniwan ni Dr. Jose Rizal, na nananatiling gabay sa kasalukuyang henerasyon.