Naglabas ng opisyal na pahayag ang Pamahalaang Lungsod ng Cotabato upang linawin ang mga tanong ng publiko tungkol sa Memorandum Order ng Bangsamoro Ministry of the Interior and Local Government (MILG) kaugnay ng preventive suspension orders laban sa apat na Barangay officials sa lungsod.
Ayon sa pahayag, malinaw na walang political motive o intensyon na paboran o perwisyo ang sinuman sa pagkilos ng Chief Minister.
Ang memorandum ay isinagawa bilang isang institusyonal na hakbang sa ilalim ng kanyang kapangyarihan bilang Concurrent Minister ng Interior and Local Government ng BARMM, alinsunod sa batas, tamang panahon, at proseso. Ipinunto ng Lungsod ang tatlong mahahalagang bagay: Una, ang isyu ay umiikot lamang sa 90-araw na election prohibition period.
Ayon sa Bangsamoro Local Governance Code of 2023, ipinagbabawal ang pagpapatupad ng preventive suspension sa loob ng 90 araw bago ang lokal na halalan upang maprotektahan ang integridad ng eleksyon at mapanatili ang kaayusan sa panahong ito.
Dahil sa nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Marso 30, 2026, ang naturang period ay nagsimula noong Disyembre 30, 2025. Kaya naman, ang MILG Memorandum ay nagtataguyod lamang ng pagsunod sa batas sa kasalukuyang panahon at hindi batay sa personal na motibo o political na interes.
Binigyang-diin din na ang preventive suspension orders ay unang inisyu at pinirmahan ng Lungsod Mayor bago pumasok ang 90-araw na election period, batay sa desisyon ng 18th Sangguniang Panlungsod, at ang limitasyon ay ukol lamang sa implementasyon sa panahong iyon. Pangalawa, ang MILG memorandum hindi nagpapawalang-bisa o kumukondena sa aksyon ng Sangguniang Panlungsod. Ang memorandum ay administratibo at internal sa kanyang direksyon, nagbibigay lamang ng gabay sa MILG Cotabato City Field Office kung ano ang maaari nilang ipatupad sa kasalukuyan.
Hindi nito sinusuri ang sala o kawalan ng sala ng sinuman, at hindi nito hinahadlangan ang pananagutan sa ilalim ng batas.
Pangatlo, ang papel ng Lungsod Mayor ay purong ministeryal, at nirerespeto ng Lungsod ang awtoridad at proseso ng Sangguniang Panlungsod. Ang Mayor ay gumaganap lamang sa ilalim ng batas at ayon sa hurisdiksyon ng 18th Sangguniang Panlungsod.
Hindi siya naghuhusga sa sala, hindi pumapalit sa desisyon ng konseho, at hindi kumikilos lampas sa legal na proseso.
Binigyang-diin din ng Lungsod na ang preventive suspension hindi katumbas ng hatol na may sala. Isa itong pansamantalang administratibong hakbang lamang, at ang due process ay nananatiling pangunahing prinsipyo.
Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ang publiko na manatiling kalmado at maunawain sa ugnayan ng gobyerno at batas.
Ang moral at maayos na pamamahala ay nakabatay sa integridad, tamang proseso, at pananagutan sa publiko.

















