Naaresto ng mga joint operatives ng Lanao Del Sur Police Provincial Office ang isang high-value individual (HVI) sa isang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Basak Malutlut, Marawi City, bandang alas-8:00 ng gabi noong January6, 2026.

Ang suspek, kilala rin sa alyas na “Tomboy”, ay naaresto matapos makuhanan ng apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 20 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 136,000. Ang pagkakahuli ay naganap matapos niyang ibenta ang droga sa isang police poseur-buyer.

Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa Marawi City Police Station para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.

Ayon kay PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region, pinuri niya ang mga operating units sa matagumpay na operasyon. Binanggit niya rin na patuloy ang PRO BAR sa pagpapalakas ng mga operasyon kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa rehiyon.