Dumating na sa Abu Dhabi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Martes, January 13, para sa isang opisyal na working visit.

Ayon sa ulat, inaasahang makikilahok ang Pangulo sa Abu Dhabi Sustainability Week 2026, isang pandaigdigang pagtitipon na naglalayong itaguyod ang sustainable development.

Bukod dito, nakatakdang lumahok si Pangulong Marcos sa pagpirma ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), na bahagi ng mga hakbang upang palakasin ang ekonomiyang pangkalakalan ng Pilipinas at UAE.