Pinangunahan ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang paglulunsad ng Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity nitong January 11, kung saan binigyang-diin niya ang patuloy na dedikasyon ng Bangsamoro Government sa kapayapaan, pagkakaisa, at inklusibong pag-unlad.

Ayon kay Chief Minister Macacua, ang moral governance ang pundasyon ng lahat ng hakbang ng pamahalaan, kung saan ang pamumuno ay isinasagawa nang may integridad, pananagutan, at malasakit sa mamamayan.

Layunin ng programa na palawakin ang constructive dialogue, palakasin ang solidarity, at itaguyod ang patuloy na kooperasyon sa pagitan ng Moro, Indigenous Peoples, at settler communities. Sinusuportahan nito ang mga kasalukuyang pagsisikap na mapanatili ang isang matatag na kapaligiran kung saan sama-samang makapagtatag ang mga tao ng mapayapa at maunlad na kinabukasan.

Pinagtibay ni Chief Minister Macacua na ang Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity ay isang pinag-isang panawagan para sa mas matatag at nagkakaisang Bangsamoro, na kaakibat sa patuloy na paglalakbay ng rehiyon tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro.