Nakipagpulong si First Lady Liza Araneta Marcos sa mga opisyal ng Dubai Chamber of Commerce kasabay ng opisyal na pagbisita ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United Arab Emirates.

Ayon sa social media post ng First Lady, tinalakay nila kung paano ang mga makabuluhang partnership tulad nito ay maaaring magbukas ng mga pintuan at lumikha ng tunay na oportunidad para sa mga Pilipinong negosyante, MSMEs, at propesyonal, sa UAE at sa Pilipinas.

Ang pagpupulong ay bahagi ng patuloy na ugnayan ng Pilipinas at UAE upang palakasin ang kooperasyon sa kalakalan at negosyo, at suportahan ang mga Filipino na nagnanais mag-expand sa internasyonal na merkado.