Nagpahayag ang Commission on Elections (COMELEC) na sisimulan na nila ang mas malawakang voter education campaign bilang paghahanda sa nalalapit na BARMM elections.

Ayon sa ulat, isang mambabatas ng BARMM ang nagbigay-diin na may kakulangan pa sa mga programa ng voter education sa rehiyon. Sinabi naman ni COMELEC Chairman George Garcia na dati ay nahinto sila sa pagsasagawa ng campaign dahil sa iba’t ibang isyu hinggil sa BARMM elections, at may concern rin sa pagsasayang ng pondo.

Ngunit ngayong naipasa na ang redistricting law, tiniyak ni Garcia na mas massive at mas koordinado na ang voter education campaign, kasama ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo sa rehiyon. Layunin ng programa na mas mapalawak ang kaalaman ng mga botante at masigurong maayos ang eleksyon sa BARMM.