Pinangunahan ng Board of Governors ng Bangsamoro Board of Investment (BBOI) na sina Datu Habib Ambolodto at Manan Baraguir ang isang investment discussion kasama ang mga prospective investors para sa pagtatayo ng isang health care facility sa rehiyon ng Bangsamoro.

Layunin ng nasabing pagpupulong na hikayatin ang pamumuhunan sa sektor ng kalusugan upang mapabuti ang serbisyo at mapalawak ang inclusive growth sa Bangsamoro.

Ayon sa BBOI, mahalaga ang ganitong mga proyekto upang masiguro ang mas maayos na access sa health care para sa mga residente at suportahan ang pangmatagalang pag-unlad ng rehiyon.