Ipinapaabot ng MCWD (Metro Cotabato Water District) sa publiko na magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala o kakulangan sa suplay ng tubig sa ilang lugar ng Cotabato City simula Enero 15, 2026 (Huwebes) alas-9 ng gabi hanggang Enero 16, 2026 (Biyernes) alas-2 ng madaling araw.
Ang pansamantalang pagkaantala sa tubig ay dulot ng interconnection ng 8” Ø uPVC pipe sa 20” Ø steel pipe transmission line sa kahabaan ng Datu Siang, Brgy. Poblacion 7, Cotabato City. Upang maisagawa ang interconnection, kinakailangang isara pansamantala ang mga valve sa apektadong linya.
Mga lugar na maaapektuhan: Poblacion 1, Poblacion 5, Poblacion 6, Poblacion 7, MB Bagua, Bagua 1, at MB Kalanganan.
Ayon sa MCWD, sisikapin ng kanilang team na tapusin agad ang interconnection activity upang maibalik ang normal na suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.
Paalala sa publiko: Pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nasabing oras ng interconnection upang maiwasan ang abala.
Ang MCWD ay humihiling ng pag-unawa at pakikiisa ng mga residente habang isinasagawa ang kinakailangang operasyon para sa mas maayos at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig.
















